Isa. Isang tao lang ang minahal ko ng lubos. Halos lahat ibinigay ko pero sa huli hindi pa din naging sapat. Bakit hindi naging sapat ang isa? Bakit kami dalawa?
Dalawa. Dalawang mata ang isinarado ko. Hinayaan ang sariling magbulag bulagan sayo. Ang tanga tanga ko. Umaasang ang tatlo
Tatlo. Tatlong taong relasyon. Tatlong taong kasiyahan na nauwi sa kasinungalingan, kalokohan at sakita. Ang tatlong taong pagkakaibigan, pagkaka-ibigan, ay nagtapos sa apat.
Apat. Apat na salita, nagbago ang lahat. "Hindi na kita mahal." Hindi. Na. Kita. Mahal. Paulit ulit. Paulit ulit. Paulit ulit. Apat na salita at nahati ang mundo ko sa lima.
Lima. Limang araw ang pinalipas. Nagbabakasakaling magbago ang isipan. Baka pag hindi mo na ako nakikita, ako'y iyong maala-ala at kalakip noon ang pag-ibig na minsan mo nang pinadama. Maghihintay ako. Maghihintay hanggang sa di na namalayang anim
Anim. Anim na buwan na ang nakalipas nang makita ulit kita. Putangina. May kasama ka nang iba. Kaya naman pito
Pito. Pitong bote ng alak ang nilaklak ko para makalimutan ang sakit. Pero hindi ako iniwan nito. sa pagtulog. Sa paggising sa umaga. Habang naglalakad. May kasama man o wala. Walang pinipiling oras. Walang pinipiling pagkakataon.
Walo. Siyam. Sampu. Sa totoo lamang, hindi natapos ang sulatin na 'to. The year was 2013, pitong taon na ang lumipas at sa nagdaang taon, ito ang napatunayan ko: Talo ng tunay na pag-ibig ang unang pag-ibig.
No comments:
Post a Comment